Rie

rie

– photo study –

Windows of Forever

iyacrop

A Facebook Status [Original] by Fer

I never bought you,
Teddy bears and a dozen heart balloons,
No flowers no chocolates,
Didn’t even got the chance,
To ask you to dance,

If that’s what it takes,
Then I’m sorry, it’s my fault and I dont have case,
If my love be measured,
By the things I didn’t bought enough,
Then I’m sorry it’s tough,

But baby didn’t I ?
Wrote you songs and sang until you sleep?
All the letters and the poems,
Tell me if those tears were ever real?

All I ever wanted was, to make you see,
Make you believe, that what we have
Is something so much more,
Make you see, through the windows of forever,
Even if it seems it’s not there,
And they say we’re going nowhere,
Let’s wonder anyway.

The Facebook Status

I never bought you chocolates, i never got a teddy bear nor heart-shaped balloons or flowers. If that’s what makes the best boyfriend then I did wrong by you, I’m sorry and so it’s all my fault … but I did write songs for you, letters and drawings and poems, things you can keep and don’t wither, things that would make you believe that what we had was something more, more than materialistic things and film stereotypes.

I thought I could make you see through the windows of forever, but I guess there’s no point for windows if the view outside is non-existent and so I wonder if what they say is true, I wonder if there really is no forever.

Inang ‘yan nagdrama? haha wala lang, feeling senti. 😅🌠‪#‎walangforever‬

Kwento

Natuwa ako dahil isang araw, bigla akong nagstatus ng ganyan, ng wala lang, parang ‘raw’ na emosyon, bigla nalang lumabas. Hindi sa nanunumbat ako at gusto kong magpabaranggay ng mga ex, pero dahil sa ganon lang akong boyfriend, walang material na bagay, walang bulaklak, teddy bear, lobo, manggang hinog o saging na puyat, basta ‘yung mai-date ko lang ‘yung girlfriend ko at magkaroon kami ng bonding time, sapat na sa’kin ‘yun. Minsan, syempre nageexpect ng regalo ‘twing may okasyon, pero dahil alam nilang hindi ako ganon, hindi nila sinasabi. Simula nung unang relasyon ko, natuto akong hindi magbigay ng mga tipikal na regalong binibigay katulad ng mga magboboypren at gerlpren. Pano naman kasi e ayaw rin ng girlfriend ko noon na binibigyan ko siya ng mga bulaklak o stuffed toys, love letters nalang daw e sapat na, kaya naman tumatak siguro sa isip ko na ganon lahat ng babae. Kailan ko nalang nalaman na hindi pala lahat ganon, ‘yung iba pala mas trip ‘yung tig-dadalawanlibong sapatos o tig-iisang daang butil ng kanin, pero dahil matigas talaga ang ulo ko, hindi pa rin ako nagbibigay, stubborn, yes.

Kung ako kasi ang tatanungin, kung bibigyan kita ng bulaklak, ilang araw lang lanta na ‘yun. Kung teddy bear, pwede pa, pero ano naman gagawin mo sa teddy bear? sigurado naman may unan ka na, at kung ang gusto mo ng kayakap, edi tawagin mo nalang ako, ako gawin mong teddy bear, diba? Kung chocolates or sweets, pag nagkadiabetes ka, ako pa may kasalanan, nabubusog ka naman sa Mang Inasal o Jollibee pag kumakain tayo sa labas. In short, parang ang pointless. ‘Wag mag-alala, hindi naman ako cold-hearted masyado, nagimbento ako ng pwedeng kapalit ng mga bagay na ‘yan, at sa paraang kaya kong gawin, at sa paraang maluwag sa puso kong maibibigay dahil galing mismo sa puso ko.

Kung ang punto lang naman ng mga bulaklak, teddy bears at tsokolate ay para ‘kiligin’ ang isang babae, edi mas gagana kung kakantahan kita diba? o susulatan ng tula? o iguguhit ang mukha? mas personalized, mas malapit sa puso at mas totoo, plus! pwede mo pang itago sa isang kahon at ilagay sa ilalim ng kama mo at kung sakaling magbreak man tayo, ilang taon man ang lumipas, nandun parin sila, pwera nalang kung kainin ito ng mga alaga niyong daga. Sabi ko nga sa status ko: I thought I could make you see through the windows of forever, dahil sa tingin ko nagsisilbing ebidensya ang mga sulat at kanta at tula ko para ipakita ko sa’yong totoo ang nararamdaman ko at seryoso ako.

Hindi ako naghahate sa tipikal na pamamaraan, kung ako rin ang tatanungin, bakit hindi diba? sweet din naman ‘yung mga ‘yun, gusto ko lang na maiba, na sa ilang daang mong magiging ex e maaala mo ‘yung isang maliit na batang sinulatan ka ng kanta at pinakilig ka hanggang sa makita mo na ang sariling utak mo. Hindi sa lahat gumagana ang ‘style’ ko, syempre, at doon palang, alam ko na kung ‘keeper’ siya o hindi, kasi kahit ampanget ng mga kanta ko, kung mahal mo talaga ako, boses ng anghel ang maririnig mo, love is deaf nga sabi nila, ay.. erm, kung may blind, may deaf din!

O siya, sana nagustuhan mo ang munti kong kanta, nang dahil lang sa isang fesbok istatus ay nairita ko ang iyong mga tenga, pasensya, love is deaf. \m/

Florentein

florenzoo

– photo study –

Time Travel

295192_398706530154438_614055880_n

3 Years Ago

Facebook Note:

March 25, 2012

Hanggang ngayon, nagfafacebook parin ako, dalawang taon na ang nakalilipas simula nung ginamit ko ang noon e patok na patok na social networking site. Kung iisipin mo, dalawang taon lang ang nakalipas, pero sa loob ng dalawang taon na ‘yon, marami ang nagbago, may mga kaibigan ka nang hindi kinakausap, may siga nang naging bading, may matinong naging gago, may gagong naging mas gago, nawalan ng buhok si manong Kenny, nasiraan ng traysikel si mang Bob at kumorni ang mga dati’y nakakatawang jokes. Patunay lang na walang permanente sa mundo, patunay na hindi mo kayang alagaan yung katauhan mo noon. 

Nag checheck ako ng mga luma kong Notes sa luma kong account, may mga notes na hindi ko akalain na ako pala ang may gawa, hindi ko matanto kung gusto kong burahin o masyado akong nabilib sa lakas ng loob ko noon. Ulit, isang patunay na nagbago ako. Hindi ko na kayang gumawa ng mga ‘instruction-type’ na blog, na sasabihin mo kung anong gagawin ng sinumang babasa ng blog mo, hindi na ako marunong gumawa ng mga ganong klaseng sulatin dahil nasira ang self-confidence ko. Tingin ko, lahat ng sinusulat ko, may maooffend, nawala ‘yung taong nagsasabing: ‘wag mo silang intindihin, pakialaman mo ang sarili mo.’ Ngayon, mas iniisip ko na ang iisipin ng tao o mararamdaman nila, naging sensitive ako sa mga salitang sinasabi ko kaya itinigil ko narin ang pag bloblog.

Naaalala ko noon, usong uso ang pag no-Notes, astigen pag may Notes ka, astigen pag may kaya kang sabihin o ilapag sa mga kaibigan mong marunong bumasa. Noon, may mga tao talagang nagbabasa ng Notes, may mga tao talagang marunong magbigay ng PAKE sa ginagawa mo, ngayon? wala ka nang makikitang ganon at kung meron man, yun yung mga taong bukas parin ang loob at maluwang parin ang utak na tumanggap ng opinyon ng iba.

Tina-try kong magsulat ulit, unti unting inaalala kung anong pakiramdam, kung paano ako magsulat dati, may mga nagsabi sa’kin dati noon na parang si idol Bob Ong ako kung magsulat, pero sa tingin ko wala pa ako sa kalingkingan ng utak ni idol, magka iba kami ng utak, hindi nga ako dapat kinukumpara sa kahit na sino dahil wala pa akong nararating. Pero inaamin kong sa kanya ako kumuha ng lakas ng loob para magsulat noon, at hanggang ngayon, kahit humiwalay na ako sa mga yabag niya, siya parin ang idol ko.

Wala akong gustong ipagyabang, may napansin lang akong nakakatuwa at pwedeng pamugaran ng mga matatagal ko nang daing sa mundo. Isang malaking bahagi ng buhay ang pagbabago, kung wala nito, wala kang binabasa ngayon at baka nga wala ka rin, kaya kahit totoo man o hindi ang Theory of Evolution, mapapatunayan parin na may nagbabago sa mga tao, ang masasabi ko lang, wag mo kong tatanungin tungkol diyan dahil wala akong kaalam alam, ang point ko lang basta e may nagbago, tapos.

Kung ako ang tatanungin, mas maganda ang pagbabago, kahit masama o mabuti ito, ang mahalaga may nagbago. Nabulok man o nahinog ang mangga, may kakainin parin ang mga uod, langgam, aso, pusa at mga tao. Nagago man o bumait ang isang tao, may mapagchichismisan parin ang mga tao at may hahangaan parin ang iba. Naging korni man o mas umastig ang isang damit, may pagtatawanan parin at may isusuot parin ang mga taong fashionista. Kaya kahit saan ka man pumanig, may mangyayari sa’yo, kesa naman sa huminto kang mag evolve gaya ni Pikachu, paulit ulit kang takot, takot magbago.

Afterthoughts 

March 16, 2015

Nakita mo kung gaano nagbago ang style ng pagsulat ko noon at ngayon? kung iniisip ko noon pa man na nagbabago na ako, sino sa palagay mo ‘yung orihinal na ako? sabi ko nga sa mga unang blogs ko, wala akong filter noon, kung ano lang ang masabi ko, basta lang may maisulat, wala akong pakiaalam kung may masaktan. In short, i’m a dickhead. Pero sa katibayan ng mga Notes at Articles na minsan minsan e sumusulpot sa utak ko at sineswerteng maisulat, sobrang laki ng pinagbago ko, at tuluyan parin akong nagbabago. Nakakatuwa lang noon na naghahanap pa ako ng pagbabago samantalang ngayon e kinamumuhian ko na ang konspeto nito. Ito ang resulta ng pagiging miserable sa loob ng dalawang taon, baka nga siguro nag umpisa na dyan sa note na yan, hindi ko lang alam.

Kung panghahawakan ko lahat ng gusto kong panghawakan habang winawakwak ng panahon ang mga bagay na ito ay mababaliw lang ako, kaya napagtantu-tanto kong kailangan ko silang bitawan at hayaang magbago. Hindi nangangahulugang kalilimutan ko ang mga ito, sabi nga ng batang ako: ‘kesa naman huminto kang magevolve gaya ni Pikachu, paulit ulit kang takot, takot magbago.’ Kaya mag eevolve na ako sa Raichu, baka may mas magandang bukas para sa’kin, hindi ‘yung lahat ng nakapaligid sa’kin level 103 na at ako e noob parin. Kailangan kong bumitaw, para may umusbong na panibago, pero hindi ibig sabihin na hindi ako pwedeng tumingala at maalala kung gaano na kalayo ang mga memorya ng kahapon at kung gaano na kalayo ang narating ko.

The Art of Reasons

Journal 118

16th May 2012

Weston-Super-Mare, England

I woke up to the sound of my alarm that I should have turned off weeks ago, it’s the summer break, for heaven’s sake. I am in a terrible mood for reasons I couldn’t even remember, was it the fighting last night or the other week’s? I don’t know, I gave up keeping track of what’s happened for the past days or weeks or whenever.

The house was empty, my family’s out in Scotland to visit my mum, they’re planning to stay there and move again but I never was a fan of changing everything for god knows how many times now, so I decided to stay, eventhough it’s just a visit. I thought that coming would set in motion things that I didn’t intend to so it’s best to stay away from them. My morning consisted of reheating last night’s food and putting in a frozen pizza. I opened a new bottle of fizzy drink to quench my thirst and pat my fattening stomach to a job well done, unhealthy, yes. I opened up my computer as for the daily routine, nothing interests me outside, no friends or schoolmates or anyone. Actually, there is one, but she’s so far away from me, and she’s the one who gets every bit of my attention. We were fighting last night, as I’ve said earlier, I’m not so sure why anymore, you get used to the fighting after some years of being together, but of course I meant that as a metaphor. I hated her, and I knew she hated me as well but for some weird reasons we couldn’t let each other go, we did love each other though, I guess that’s enough reason for that? Still, our relationship isn’t working anymore, but that’s not up to me, is it? The phone rang and my face suddenly dropped, I wasn’t ready, I wasn’t prepared, what was I going to say? should I answer it? I answered it.

“Hello?” judging from the tone of her voice, she was ready to reconcile with me.

“Hey.” I replied with as less emotion as I could possibly can, of course she picked it up, that’s how we were.

“Something wrong?” the tone’s changed, here we go.

“No, nothing, don’t worry.” get set, go.

The fight went on and on for maybe under a couple of hours, and when everything seemed to be going alright again, I snapped, that feeling of anger and pity and sadness, the one you can’t explain. I only thought of how much more we could take before one of us goes spiralling down the gutter, and so right there and then, I ended it. No more fights and no more arguments about the simplest of things, no more ‘love of my life’, no more of her. I’ve always thought she wanted to break up with me for quite some time then but just didn’t have enough reason to say it, it’s a mutual understanding from both of us. She assured me if that’s what I really wanted, and I said yes. She hung up the phone and I was left in my room alone, but only then I was actually alone.

March 11th 2014

Aultbea, Scotland

Here we are, after nearly 2 years, I woke up to the same feeling I had back then. Actually, I’ve been waking up like this since that day, and as I could honestly say that I have moved on from her, I may not have actually moved on from the idea of letting her go for no apparent reason. Sure, I was angry and tired and vulnerable at that time, but we both were, all the time, the only difference was that I snapped, was that enough reason to break things up? Unlike other stories of breaking up, we never had the typical reasons why, no one cheated nor hurt someone, no one fell out of love, it was just a sudden burst of emotion that led into a final decision.

I’ve been thinking about it for the past 2 years, how unfair it was for me and for her. I’ve always said to myself that my reason of breaking up with her was because I don’t want her to live the life she lived for the last 2 years we’ve been in a long distance relationship. Her constantly waiting for me to come back home, when in reality I didn’t know whether it will happen or not. I’ve always thought that she’s too young to latch herself to someone who’s not even there for her when she needs him, and she’s missing out a lot by staying home just to talk to me, I thought she’d find someone better. I was right, she did, but now what? why was she the only one who’s happy? is this what I get for letting her go? 2 years of regret and loneliness? maybe more? I know that I shouldn’t expect a reward or anything but it’s just seem so unfair seeing her so happy with someone else when I’m here, still stuck, still thinking if I did the right decision. I know I did, because she seems happy, I just don’t feel it, there’s still a hole in my heart, one I couldn’t fill in no matter what I do. Maybe I’m just so afraid that after everything that I’ve lost going so far away, It’ll all just be for nothing.

Angela

195832_203859832972443_5168008_n

Me, 4th year high school, a drawing of Mimi and Papoy

First Kiss

First kiss, hindi ko alam kung paano ko na-ipon ang lakas ng loob para halikan siya, take note, first date namin ‘yon. Siniguro ko sa sarili kong pagkatapos non ay aabutin ako ng isang malakas na sampal sa pisngi, pero naaalala ko kung paano siya ngumiti sa’kin, tinignan niya ang mga mata ko at sinabing: ‘Tayo na’. Hindi ko malaman ang isasagot ko, hindi ko alam kung anong nagawa ko para ma-deserve ang isang babaeng katulad niya, maganda na’t matangkad pa, isip bata pero sa paraang maiinis ka’t matutuwa, matalino pero tamad, katulad ko. Ngumiti nalang din ako, pero sa mga panahon na ‘yon gusto ko siyang yakapin dahil sa wakas, nakatagpo ako ng babaeng handang subukan ang buhay relasyon kasama ako, kahit na walang kasiguraduhan, kahit suntok lang sa buwan.

Sa mga unang buwan talaga nasusubok ang isang relasyon, dito kasi binubuo ang pundasyon nito, kung baga sa mga espada, ito ang forgery, at kapag hindi maganda ang pagkakagawa sa bakal siguradong mapuputol ‘to sa unang hampas ng kalaban. Marami kaming pagsubok na pinagdaanan, nagkaroon ako ng isang major na relasyon bago ‘yung sa’min pero bata pa ako nung mga panahon na ‘yon at masasabi kong wala parin akong alam at kung may natutunan man ako ay hindi lahat nabago ko.

Isang araw, nagkayayaan na magdota sa nakasanayang tambayan ang barkada, dirediretso ako sa gate ng eskwelahan nang biglang may tumawag sa’kin.

“FEEEER!!” sigaw ng isang babae, lumingon ako at nakita ko siya, syempre tumakbo ako papunta sa kanya.

“Bakit po?”

“Saan ka pupunta!?”

“Dota.” na may kasamang ngiting aso. Hindi niya pinahalata, pero nakita kong sumimangot ng bahagya ang mukha niya, pero dahil sabi ko nga sa’yo, wala pa akong alam sa mga senyas ng babae noon kaya pinagsawalang bahala ko nalang.

“Sige.” maikli niyang sagot, at ako naman e nagtuloy tuloy para maglaro. Walang tumama sa mga pana ko at talo rin naman.

Umuwi akong duguan at talunan, naka-silent ang phone ko, automatic ‘yun kasi galing akong eskwelahan, nang tinignan ko ito ay halos sumabog ang inbox ko sa mga messages niya. ‘Nasan ka na?’, ‘Nakauwi ka na ba?’, ‘Bakit di ka nagttxt?’ at kung ano ano pa, naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon, pero noon? naasar lang ako. Makikita kung gaano ako kagago talaga noong mga panahon na ‘yon, wala akong pakialam masyado sa iba, basta pag sa tingin ko e ako ang tama, ako ang tama. May mga pagkakataon din naman na ako ang nagagalit, seloso ako, sobra, ‘yung tipong mag GM lang siya na may nabanggit siyang lalake e maghihisterikal na ako na parang inagawan ako ng lolipop. Sa madaling salita, kinikilala namin at nakikilala namin ang isa’t isa ng sabay, at kung ako ang tatanungin e nagpapasalamat ako dahil pinuno namin ng pag-aaway ang unang tatlong buwan ng relasyon namin dahil sa mga sumunod pang buwan e parang nag-sawa na kami’t puro lambingan nalang ang naganap. Nakilala namin ang isa’t isa, mas naging close kami at kung ilan mang gyera ang naganap ay lahat may hinantungan, walang nasayang.

Falling In Love

Hindi basta sinabi mong ‘Mahal kita’ e ‘yan na ‘yung talagang nararamdaman mo, minsan sinasabi mo ‘yan para ipakita na hindi mo lang siya basta gusto, na mas higit pa sa gusto lang ang nararamdaman mo sa kanya. Kung makakausap mo ang puso mo e siguradong iiling ito’t alam niyang hindi ka pa sigurado kung mahal mo nga ba talaga siya, minsan hindi lang talaga magkasya sa ‘gusto kita’ ang gusto mo talagang sabihin kaya automatic na pinipili mo ang mga salitang mahal at kita. Syempre iba parin ang tinatawag nilang falling in love.

Sinabi ko sa kanya noon na mahal ko sa paraang sinabi ko sa tindera sa canteen na: ‘Chicken with rice nga po.’ hinihintay mo ang reaksyon ng tindera sa sinabi mo at umaasang ibibigay niya ang binibili mo, ganyan ang plano ko noon, gusto kong makita kung anong magiging reaksyon niya. Nagulat siya syempre, dahil nang sinabi ko ang mga salitang ‘yon ay nasa friendzone ako, ako ‘yung lalakeng hinihingan niya ng advice sa love life niya, ako ‘yung lalakeng sasaklolo pag nasasaktan na siya, kaya hindi ko siya masisisi kung bigla siyang manibago at magulat. Pinag-usapan namin ‘yun nang tumagal tagal kami, ganon rin daw siya, hindi naman niya talaga ako seseryosohin pero wala e, na inlove daw siya sa’kin, at kung paano nangyari ‘yon ay hindi ko alam, nakalimutan kong itanong. Na inlove ako sa kanya, hindi biglaan, hindi in an instant, na-inlove ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya at dahil ang bagal ng proseso, ganon din katagal ito nawala, doblehin o triplehin o mas marami pa sigurong ulit. Ang galing kung paano nangyayari ‘yun, kung pano ka naiinlove sa mga simpleng bagay na ginagawa ng taong alam mo sa sarili mong may puwang sa puso mo, at dahil dyan, eto ang kwento kung paano ako nainlove sa Angela ko.

May event sa eskwelahan, high school kami non, third year ako at second year siya. Nakaupo ako sa harapan ng canteen, may apat na baitang bago ka makapunta sa pintuan ng canteen at nakaupo ako doon, magpeperform sila kaya hindi ko siya mahagilap, gusto ko siyang itxt pero wala akong load. Biglang may babaeng tumabi sa gilid ko, nakablue siyang t-shirt at nakawhite na shorts, si Angela, inabutan niya ako ng Nestea, hindi ako umiinom ng Nestea pero sige lang, sa kanya galing e. Pinahawak niya sa’kin ang phone niya dahil susunod na raw sila, ngumiti naman ako, nang papaalis na siya ay sumimple siya ng halik sa pisngi ko, bawal kasi ang PDA nang mga panahon na ‘yun, natuwa akong parang bata, nakakatuwang may babaeng hindi takot iparamdam sa’kin kung anong nararamdaman niya. Naulit ang mga ganitong sitwasyon, sa mga hindi ko inaakalang pagkakataon niya ginagawa kaya palagi akong nagugulat, at sa bawat ulit ay mas doble ang kilig at tuwa na nararamdaman ko.

Minsan nakumpiska ang phone ko dahil ginamit niya sa klase, uso kasi ang pagpapalit ng phone non lalo na sa magkakarelasyon at uso rin ang kumpiskahan, tumakbo siya sa room ko at sinabing: ‘Mahal, wag kang magagalit.’ naaalala ko kung paano niya ako tinignan na parang ang laki ng kasalanan niya, sinabi niya ang dahilan pero hindi ako kumibo. Tita ko kasi ‘yung advisor niya kaya alam kong makukuha ko rin ‘yung phone ko agad, pero dahil gusto kong sakyan ang reaksyon niya, kunwari galit ako. Nakuha ko ang phone ko, umupo kami sa garden kasama ang mga kaibigan niya, hindi ako nagsasalita, lumapit siya sa’kin na parang bata, alam mo ‘yung ginagawa nila pag may gusto sila? ‘yung nakatingin sila sa’yo na parang pag may hiningi sila e hindi mo kayang matanggihan? ganon ang ginawa niya, sabi niya sa’ken: ‘Ooy, wag ka na magalit.’ sa boses niyang sobrang lambing. Hindi ako nagpapatinag kahit gustong gusto ko na siyang ngitian at yakapin pero sumimple ulit siya ng halik sa pisngi ko, nagulat ako’t tinignan ko siya, ngumiti ako’t sinabing hindi naman talaga ako galit, hindi dahil sa hinalikan niya ako kaya ako naiinlove sa kanya, nainlove ako sa kanya dahil importante sa kanya ang mararamdaman ko, importante sa kanya kung ano ang tingin ko sa kanya at kung maghahanap ako ng babaeng mamahalin ko ay siguradong isa ‘yan sa mga qualities na hahanapin ko. Akala ko’y magagalit siya sa’kin dahil nagkunwari akong galit, pero ngumiti siya sa’kin ng abot-tenga, ‘yung walang halong ibang agenda, basta masaya siya kasi hindi ako galit, masaya siya kasi okay na kami.

Ang babaw ba? sabi ko nga sa’yo, sa mga simpleng bagay ako nahuhulog, at sa dalas niyang ginagawa ang mga bagay na ito, isang araw, hindi ko na namalayang nahulog na ako ng tuluyan. Isang araw, naisip kong hindi ko na yata kaya pagnawala siya sa buhay ko, doon ko nalaman at naramdaman na mahal ko na talaga siya.

Mahal

Tinanong ko siya kung anong gusto niyang tawagan namin, ang sagot niya sa’kin ay ‘Ang korni non, ‘wag nalang.’ Kaya sinubukan kong wag siyang tawagin ng kung anu-anong usong tawagan noon pero dahil matigas ang ulo ko, nagkaroon din kami ng tawagan sa huli.

Nakasakay ako sa traysikel papuntang school, magkatxt kami, syempre. Tinxt ko siya ng ‘Papunta na ako, mahal kong Amdyela.’ at mula dyan ay nabuo sa isip ko ang pagtawag sa kanya ng ‘mahal’, simpleng tawagan pero ang lakas ng meaning, diba? wala nang ligoy ligoy pa, basta mahal nalang bigla. Napansin niya ito nang tumagal, tinanong niya ako kung bakit ko siya tinatawag na mahal, ang sagot ko lang, ‘e kasi mahal kita’. Nahawa siguro siya sa’kin at sinimulan niya rin akong tawagin ng ganito, hanggang sa nasanay na kami ng sobra na pag tinawag namin ang isa’t isa ng mga pangalan namin ay may tampuhang mangyayari. Tinanong ko siya minsan kung bakit pumayag siyang magkaroon kami ng tawagan, sinabi lang din niya sa’kin ang sagot ko, ‘e kasi nga mahal kita’.

Gitara

Siya ang unang babaeng sinulatan ko ng kanta at makalipas ang limang taon, kailan lang hindi naging siya ang laman ng mga kanta ko, ganon siya ka espesyal, ganon siya kalaki ng parte ng buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya e siguro hindi ako nagsusulat ng kanta ngayon. Naaalala ko nung pinarinig ko sa kanya ang unang kanta niya, Small and Tall, dahil maliit ako at matangkad siya, paulit ulit niya ‘tong pinakikinggan, hinihiram niya ang phone ko parati para makinig, para daw hindi ako ‘yung kumakanta, pero ang sweet sweet daw. Marami pang sumunod na kanta, gaya nga ng sinabi ko, mga apat na taon siguro akong gumagawa ng kanta para sa kanya, hindi lahat tungkol sa kung gaano ko siya kamahal, ‘yung iba e pagsosorry sa mga nagawa ko, ‘yung iba naman e patama sa mga ginawa niya sa’kin, lahat may emosyon, lahat may dahilan at para sa’kin, ‘yon ang mga kantang may mga kahulugan na kahit walang makinig e alam ko sa sarili kong napreserba ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsulat.

Gusto niyang kinakantahan ko siya, lalo na sa pagtulog, minsan tatawag siya para lang magpakanta dahil hindi raw siya inaantok, hindi ko alam kung compliment ‘yun o sinasabi niyang nakakaantok akong kumanta, basta ang alam ko, masaya ako pag kinakantahan ko siya. Alam mo ‘yung pakiramdam na ang galing galing mo kasi may isang taong handang makinig sa kung ano mang kawalan ng tono ang lumalabas sa bibig mo? ‘yung feeling mo kahit hindi ka sikat e hindi rin mahalaga, kasi ang importante lang e ‘yung iniisip niya tungkol sa’yo? ganon ‘yung nararamdaman ko non, kaya siguro ngayon hindi parin ako tumigil sa pagsulat, nakasanayan kong ibuhos lahat sa kanta lahat ng mabibigat o masasayang memorya ng buhay ko.

Sabi ko nga sa Chapter 3, may isang taong magbabago sa’yo at si Angela ‘yun para sa’kin, ipinakita niya sa’kin na dapat pahalagahan ko siya dahil ganon ang ginagawa niya sa’kin, na kahit na minsan e hindi ko napapansin at natatabunan ng galit, patuloy parin niya akong minamahal at pinahahalagahan. Hindi perpekto ang relasyon namin pero kinaya niyang baguhin ang isang gagong katulad ko, kinaya niyang ibahin ang tingin ko sa pagtrato sa mga babae, ipinamukha niya sa’kin na hindi pwepwedeng binabalewala ko lang siya, na tratuhin ko siya gaya ng ibang mga babae dyan, kung paano siya respetuhin at ginawa niya ito sa paraang hindi lang puro pagbubunganga at pagmumukmok, kundi sa walang sawang pag-aaruga at pagmamahal din.

Hindi kasya sa dalawanlibong salita ang storya ng love life namin at kahit gusto kong ikwento lahat nang pinagdaanan namin, may mga bagay parin kasi na sariwa pa sa’kin at hinihiling ko na hindi nalang sana nangyari, hindi kami palaging masaya noon pero alam namin na mahal na mahal namin ang isa’t isa. Dumaan kami sa maraming pagsubok, parehas kaming nagkakamali pero bumabangon parin at nagpapatawad. Ibinabahagi ko ang mga kwentong ito dahil gusto kong ipakita kung gaano kami kasaya noon, kung paano namin inakalang kami na sa huli at kung ano kami bago mangyari ang lahat. Mga panahon na ang sarap balikan, mga panahon na parang kahapon lang.

Chapter 3

High School: Part 2

Katulad ng trilogy ni Batman, mayroon akong bersyon ng ‘The Dark Knight Rises’, ‘yun nga lang, walang mga paniki o super villains, walang naka-steroids na kalbo at hi-tech na gadgets, meron lang malaking pagbabago at kakaunting maskarang naiwan. Kung hindi mo nakuha ang reference ko, pasensya, isipin mo nalang na pagkatapos mong dumaan sa madilim na tunnel ay mayroong mga bumbilyang naghihintay sa’yo sa labas, akala mo umaga na’t maliwanag, gabi parin pala.

Madilim at may pagka-emo ang tono ng unang parte ng high school life ko, sabi ko nga sa’yo, kung baga sa Batman, ‘yun ang ‘The Dark Knight’. Sa unang pagkakataon, hindi lang basta basta ang kalaban, naramdaman ko kung gaano katotoo ang mga resulta ng mga aksyon ko at kung gaano ko kinailangan magseryoso, pero ‘wag kang mag-alala, dahil kahit nabahiran na ng maturity ang mga kwento ko at hindi na ganon ka-inosente tulad ng Chapter 1, natutunan ko kung paano harapin ang mga susunod na kabanata ng buhay ko ng may konting pag-iingat.

Kung nakita mo ang music video ng Ikaw Lamang by Silent Sanctuary, ganon ko pinipicture ang high school life, na may mga bandang tumutugtog ‘twing recess at may mga magkakalove teams na nagdradrama sa paligid, may mga nagsusulatan ng love letters, secret admirers, bullies, jocks at kung anu ano pang OA na idea ng High School Musical ang ipinasok sa atin ng mga american films noong mga bata pa tayo, pero sa totoo lang, hindi ako magrereklamo kung biglang may kakanta sa classroom para magtapat ng nararamdaman at para na rin maiwasan ang quiz sa Geometry.

Guidance Office

Third year high school, nakalaya ako sa bakuran ng seminaryo, hindi ko ipagkakailang lumuwag ang loob ko at naging masaya dahil sa unang pagkakataon sa dalawang taon ay naramdaman kong bumabalik na ang lahat sa normal. Sinamahan ako ng tita kong mag enroll, at dahil para akong batang pinakawalan sa unang pagkakataon, wala akong alam sa mundo, lahat nagbago, lahat parang kakaiba. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng memory card sa lumang laro na hindi nagalaw ng ilang taon, tapos bigla ko ulit sinaksak sa playstation, alam ko kung pano maglaro pero naninibago ako sa lahat ng mechanics, may major update palang naganap habang wala ako.

Pasok ako sa office ng magiinterview, guidance councilor, iaassess kung papayag silang papasukin ako sa paaralan nila. Unang tinignan ang report card ko, tapos ako naman na parang natatawa siyang naiiyak.

“Anong napapansin mo dito?”

“Erm..”

“Tignan mo.”

“Okay po.”

“Mataas, bagsak, tumaas ulit … wala naaa.”

Grades ko ang tinutukoy niya, line of 9s sa unang quarter, bagsakan sa susunod, babawi ng line 8s sa 3rd tapos buagsakan parang bulalakaw ulit sa 4th. Magaling. Dito palang malalaman na kung anong klaseng studyante ako, nakadepende lahat sa mood ko, kung wala ako sa mood, walang papasok sa utak ko. Sabi ko nga, tamarin ako. Pinakuha ako ng entrance exam, formality, naging maayos ang lahat at ikinongratulate ako ng guidance councilor dahil pasok na raw ako sa season 5 ng Starstruck. Nakangiti akong umuwi at hindi ko malaman kung bakit.

First Day High

Alam mo ‘yung feeling na first day of school? excited kang makita lahat ng kaibigan mo, excited ka sa mga magiging mga classmates mo, excited ka kung anong ulam sa canteen, excited kang makipagkaibigan sa potensyal na makokopyahan, takot kang maging kaklase ‘yun nakasuntukan mo sa c.r. nung grade 4, takot kang maging kaklase ‘yung ex mo at higit sa lahat umaasa kang magiging kaklase mo na si crush. Wala ako nun. Back to school nga ako, pero sa ibang paaralan, marami akong kakilala, oo, pero alam mo ‘yung feeling na out of date ka? na sila naka iPhone 12 na tapos ikaw naka 4 S palang? o nakarambo sila, tapos ikaw naka beach walk lang? ganon ang naramdaman ko nang pumasok ako sa high school, sa totoong high school, sa unang pagkakataon.

Naging presidente ako ng klase, sa hindi maipaliwanag na kaisipan ay naisipan nilang ipagkatiwala ang buong section sa isang transferee na walang alam sa buhay labas. Sinikap kong itaguyod ang klase, sa tulong ng mga officers, syempre. Minsan binabalak kong panindigan ang pangalan kong Ferdinand at magtayo ng dictatorship pero dahil role na ‘yun ng advisor namin, pinigilan ko nalang ang sarili ko. Mainit ang ulo sa’kin ni Ma’am, at dahil hanggang ngayon ay takot parin ako sa kanya, hindi ko sasabihin ang pangalan niya, kasalanan ko, unang araw ng klase ay late ako sa orientation dahil nagcoffee shop ako’t nalibang sa wi-fi. Unang tour namin nung 3rd year ay nasigawan niya ako ng ‘CHRISTIAN!!’ dahil sa akala niyang sinasabayan ko siya sa pagpapaliwanag kung paano kami bababa sa bus, hindi siya mali at first name ko ‘yun, grabe diba? Ganon pa man, naiintindihan ko ang frustration na magpatakbo ng klase, tatlumpung utak ba naman na iba ibang ugali ang kailangan mong paglaanan ng panahon para mapuno mo ng mga leksyon at impormasyon na pagkatapos ng exams e tutulo rin sa mga tenga nilang parang mga luga, hindi ka mabaliw? Pero dahil puno na ako ng sermon sa bahay sa lola ko, hindi ko na rin siya masyadong iniintindi, para sa’kin pagpinagagalitan ako, tatahimik lang ako, pero ‘wag na ‘wag mo akong sisigawan dahil magwawalk out ako.

Kanya kanya ang grupo nung high school, iba ibang klase at iba ibang laki, lahat may pangalan, lahat may identity kung baga. Syempre may nabuo kami ng mga kaibigan ko, BOP, uso kasi ang Boys Over Flowers non at dahil sa marami akong free time mag isip, tinawag ko ang sarili namin bilang Boys Of Paggalang, section namin, close enough. Simula nang mabuo ang grupo namin, nainspire akong gumawa ng mga comics tungkol sa mga adventures namin kuno, sa dami ng illustration boards ko na nadrawingan noon, hindi ko alam kung bakit hindi ako inireklamo ng vandalism dahil ipinagdidikit ko sa pader lahat, pero syempre pag nag-sawa na akong tignan, tinatanggal ko rin. Nagdala ako ng gitara minsan, kinakabahan ako habang inilalabas ko ito sa case niya, baka kasi isipin na sobrang papansin ko at masyadong makapal ang mukha, pero nakatulong ang pagkakaroon ng interes ng mga kaklase ko at sila pa ang nagsabing, ‘sige nga, tumugtog ka?’ tumugtog ako, at kung pumiyok man ako noon, hindi ko na maalala pero natuwa ako nang marinig kong sumasabay na sila sa kinakanta ko, at simula noon ay palagi na akong may bitbit na gitara, nahawa rin siguro ‘yung iba dahil isang araw pagpasok ko ng room e akala mong guitar shop ‘yung bintana namin, andaming gitarang nagkalat, andaming pwedeng i-jamming session, nakakatuwa sa puso.

Naging presidente rin ako ng club, sa parehas na dahilan kung paano ako naging presidente ng klase, napagtripan ulit ako, nangyari ‘yan ng dalawang magkasunod na taon, ako ulit ang presidente nung club at class nung 4th year. Nagpabattle of the bands ako sa event ng club namin kahit na sobrang layo ng kuneksyon dahil History ang punto ng club namin. Bumuo kami ng banda pang intermission number, Alpha Dak Manok Ma Band, kung paano ‘yan nabuo ay pasalamat sa isang kaklase ko sa seminaryo, si JV, originally, fraternity dapat yan, at ang motto e: ‘Pag nakadakma ka ng manok, pasok ka na.’ Isinali ko ang pangalan na yan minsan sa play namin, at nang naghahanap kami ng pangalan para sa banda namin, may nagsabi sa’kin na bakit hindi nalang ‘yun, at doon nabuo ang Alpha Dak Manok Ma Band. Pang intermission lang sana, para lang kunwari may alam kami sa mga banda noon, pero naisipan narin naming sumali sa battle of the bands dahil hindi naman namin kilala ‘yung mga judges, champions kami, at nagsilbi itong ticket para tumugtog sa iba pang mga events from then on, kahit nung 4th year. Pero May nangyaring hindi dapat nangyari, pumanaw ang isa sa gitarista namin, memorable ‘yung huling tugtugan namin, sinong mag-aakala na ganon pala ang mangyayari diba? kaya nang tumugtog ulit kaming magkakabanda for the very last time, idinedicate namin sa kanya ‘yon.

Active akong studyante non, lahat ng kaya kong salihan sinalihan ko, poster-making-contests, videoke-contest, art contests, bunong braso, palakihan ng kulangot, pagandahan ng sulat, pabilisan ng pagtaas ng kamay at pagalingan mangtrashtalk sa dota. Minsan panalo, minsan talo, ‘yan ang high school para sa’yo, praktis para sa buhay na kasunod, akala ko noon para talaga siyang High School Musical, na madrama at puro cliches, pero nasurpresa ako kung gaano ako nasayahan at masasabi kong maswerte ako dahil na experience ko kung paano maging ganap na hayskul student. Marami pang kwento, pero dahil gusto kong tapusin ang trilogy na ito, ipagpapaliban ko na muna ‘yung mga ‘yon para magbigay ng space sa malaking parte ng part 2 ng high school life ko, love life.

Love Stories jpeg

Nagkaroon ako ng maikling relasyon pagpasok ko sa bagong paaralan, pero dahil sa kamalasan ng panahon at mga komplikadong sitwasyon, hindi kami nagtagal. Siguro sinasabi lang sakin ng mundo na hindi pa oras para magmahal ako ulit. Pagkatapos ng relasyon na ‘to ay iginugol ko ang sarili ko sa pagiging single, nasiyahan naman ako, ‘yun nga lang, kung lahat ng makikita mo sa campus e naglalampungan at naghaharutan, hindi ka ba maiinggit? Nakakalungkot ang mag-isa, lalo na sa hayskul, bawat lingon mo ay mayroong magpapaalala kung gaano ka minalas nang magpaulan ng potential love interests.

Isang araw, lumabas ako ng klasrum na sa mga panahon na ‘yon e nasa first floor. Tumingala ako sa katapat na klasrum sa second floor, may isang babaeng nakadukdok at nakatingin kung saan, kilala ko ‘yung mukha niya at alam kong kilala ko siya, si Nicha. Pinipilit kong hindi magenglish, dahil kung ipapaliwanag ko sa’yo kung ano ang tingin ko sa kanya non ay kailangan kong mag ingles, para magkaroon ng hustisya at hindi ka makornihan masyado, kaya pagbigyan mo ako kahit ngayon lang:

     ‘She’s tall and beautiful and fair-skinned, you would know what she’s feeling just by looking at her big and expressive eyes, I wasn’t sure if I liked her hair, I never liked girls with short hair like hers but there’s something about her that made me love it. It must have been the light or the complexion of her skin that made her shine so brightly on that one particularly gloomy day, or was it her beautiful pouting pale red lips?’

Bago ako maging Boy Bawang sa sobrang kakornihan ko, gusto kong malaman mo na hindi lang siya ‘yung babae sa buhay ko nang mga panahon na ‘yon, mayroong ding Rizielle at Angelica. Siguro may naiwan paring residual na kagaguhan sa loob ng pagkatao ko at hindi ko ipagkakailang pareparehas ko silang kinakausap, ‘yun nga lang, siya lang ‘yung babaeng may lakas ng loob para baguhin ako, pati narin ang pagtingin ko sa mga babae, ipinaliwanag ko sa kanya ‘to nang tumagal tagal, at kung nagselos man siya ay masasabi kong ilang gyera ang naganap para maresolba namin ito, at in my defense, sinabi rin niya sa’kin na hindi naman niya raw talaga ako seseryosohin dapat, so kwits lang kami, lamang lang ako ng konti. Nag-iwan ako ng message sa facebook ng kaklase niya, sabi ko: ‘Say Hi to Nicha for me.’ Pagkatapos non e nagkaroon na ako ng lakas ng loob para kuhanin ang number niya para lang mafriendzone ng mga ilang buwan, (note: hindi pa uso ang friendzone non, pero na friendzone ako, definitely) hanggang sa ipinagtapat ko na may nararamdaman ako sa kanya, hindi siya makapaniwala nung una at alam kong nagaalangan siya dahil ang liit liit ko at ang tangkad niya, unang tingin palang hindi na kami bagay, di hamak na ang daming nanliligaw sa kanyang mas gwapo o mas may tsansa pero dahil sa malakas ang loob ko, sinabi ko na rin. Huminto kaming mag usap ng ilan pang buwan, dahil gusto raw niya na M.U. nalang muna kami pero iba ang gusto ko, kaya akala ko noon wala nang pag-asa, pero isang araw bigla nalang may tumawag sa’kin, pinapatawag raw niya ako sa garden ng school, naalala ko pa noon kung saan siya nakaupo at kung ano ang suot niya, P.E. uniform, yakap niya ang mga binti niyang napagkahaba at halatang may iniisip siyang malalim, ready na raw siyang bigyan ng pagkakataon kami, ngumiti ako at napatango nalang.

Minsan may makikilala tayong taong magbabago sa’tin ng lubos, at si Nicha ‘yun para sa’kin, binago niya ang tingin ko sa relasyon at sa halaga ng babae, kaya kung ano ako ngayon, pasalamat sa kanya, pero hindi lahat ng istorya nagtatapos sa Happily Ever After. Sa ngayon, natapos ko ang trilogy ng kabataan ko at masasabi kong natutuwa akong maibahagi ko sa’yo ang kakaunting kurot nito, at dahil ang kwento namin ni Nicha ay hindi lang sa high school nagtatapos, asahan mong pipilitin ko itong tapusin sa ibang panahon.

Maraming Salamat sa pagsama sa’kin sa mala time-machine kong pagbisita sa mga araw na parang kahapon lang nangyari, at kung hindi man ito kasing perpekto ng mga awtor na nakasanayan mo at hindi kasing astig ni Doctor Who, sana ay mapagpasensyahan. Umaasa akong nandun ka ulit sa mga susunod pang mga kwento, Chapter 3 palang tayo, gusto ko lang kasi talagang tapusin na parang trilogy dahil sa kaartihan ko, pero malay mo diba? magkaroon pa ng mga kasunod na sequels, gaya ng Star Wars. O siya, sana’y mayroon kang napulot kahit kaunti sa mga kwento ko at subaybayan ang mga susunod pa, sa uulitin!